Tuesday, September 7, 2010

“NOCTURNE” By: CHESELLE ROLDAN

I

You sound convincing and I know it isn’t true

You said I’ll realize that I can’t live without you

But the days turned into months

And months faded into years

Ever thought that the words you’ve said would prove all my fear


Refrain I

Do I have to write you a million songs for you to forgive me

If what I’ve said was not enough would you kindly tell me


Chorus

This nocturne won’t lull you to sleep

Then I know my serenade was not enough to let me feel your heart beat

And even though I’m at the receiving end of all glares and lies

My love for you is the only thing that I won’t compromise


II

Confused and struggling never knowing what to do

As if the world would stop if I can’t be with you

How am I to comprehend

Which part should I amend

If these thoughts of you would stream to no end


Refrain II

Should I grab your hand and then hold you close

So you could just heard me

How I was so wrong, now in this song

You gently tell me


Repeat Chorus 3x

Wednesday, August 11, 2010

Ang SONA ni PNoy

Ika-26 ng Hulyo 2010, Lunes, naganap ang kauna-unahang SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Enigno Simeon Cojuangco Aquino III. Marami ang nag-abang upang mapanuod at marinig ang SONA ng ating bagong Pangulo. At isa ako sa mga sumubaybay nito. Sa naganap na SONA ni Pangulong Aquino, dito niya inilahad ng tahasan ang napakaraming katiwalian sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Arroyo.


Sa nilalaman ng SONA ni Pangulong Aquino ay sinabi niyang lalabanan nito ang anumang katiwalian at pipigilan ang anumang korapsyon sa ating administrasyon. Tiniyak niyang hindi mapupunta sa kamay nino man ang pera na galing sa kaban ng ating bayan. At siniguro niyang mapupunta ang lahat ng ito sa anumang mga proyekto. Sa ngayon, patuloy pa din ang pag-iimbistiga sa mga kasangkot sa naganap na katiwalian. Kapag tuluyang naipakulong ang mga may kinalaman sa naganap na katiwalian, malamang ay di na daw ito tutuluran dahil magkakaroon na ng takot na gumawa ng kalokohan ang mga nasa posisyon. Umaasa ang mga Pilipino na mananagot ang mga magnanakaw sa nakalipas na administrasyon.


Ang SONA ni Pangulong Aquino ay nakatuon mismo sa pangkasalukuyang estado ng ating bansa. Dito ay malinaw niyang inilahad at sinabi kung magkano ang bawat gastos ng ating bayan para sa mga istruktura, proyekto at para na rin sa mga taong mas lalong nangangailangan nito. Ngunit dito rin niya inilahad ang lahat ng pangungurakot ng mga pulitiko at ng mga opisyales na nasa kasalukuyan at nakaraang posisyon na naging kahiya-hiya naman para sa mga tinamaan nito.


Ang kanyang simple at makahulugang SONA ay nagbigay pag-asa sa ating mga Pilipino upang magbalik tiwala muli sa ating bagong administrasyon. Magkaisa sana tayong mga Pilipino sa pagtulong sa pagpapabuti ng ating mahal na bayan. Pumalakpak ako ng sinabi ni Pangulong Aquino na “Ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan.” Kung ibang presidente ang nagsabi nito, iisipin kong pambobola lamang ito ng isang pulitiko. Lalo kung sa Ingles ito sinabi. Pero dahil si PNoy ang nagsabi nito sa sarili nating wika, naging buo ang aking paniniwala na magkakaruon ng pagbabago at kapayapaan sa ating bansa.

Thursday, May 20, 2010

Love u (Tagalog Version) LYRICS

http://www.youtube.com/watch?v=HAGm9OEq25M&feature=related

Habang iniisip ko ang mga pangako nating dal'wa
Bakit ramdam ko'y ika'y na saking tabi, oh2x yumayakap sakin.
Ikaw ang araw na gumigising saking puso
Niyayakap mo hapding dama ng puso ko
Kahit ipikit mo ang mga ikaw ang nakikita

CHORUS
Mahal kita tibok ng puso ko'y sa iyo lang
Mahal kita sa puso ko ikaw lang pangako,
para lang sa iyo ang mga bituin sa langit.
Oh...

Mahal kita dinggin mong sigaw ng puso
Mahal kita turuan mo ang puso kong ito na maging
karapat-dapat para lamang sayo mahal ko.

Habang ikay aking sinisigaw
Dahil di mo nalalaman
Ikaw lang ang kailangan ng puso kong ito
para lang mabuhay.

Kung sakaling umulan at ang puso mo ay
mabasa wag kang mag-alala dahil
nandito lang ako para saluhin ang puso mo.

CHORUS
Mahal kita tibok ng puso ko'y sa iyo lang
Mahal kita sa puso ko ikaw lang pangako
para lang sa iyo ang mga bituin sa langit.
Oh...

Mahal kita itong sigaw ng puso ko sayo
Mahal kita turuan mo ang puso kong ito
na maging karapat-dapat
Para lamang sayo Mahal ko...

(This lyrics was made by a youtube user
named jinxchocolate.
I was impressed of her song so I decided to
listen and write down the lyrics of it.)
2 THUMBS UP FOR HER!

Tuesday, January 12, 2010

Format ng Suring Basa (Mga Pahayag)

Ex. Suring Basa
Proyekto
5 Pahayag mula sa El Filibusterismo

I. Pahayag
A. Pamagat
B. Tagpuan
C. Tauhan

II. Pagsusuri
A. Batay sa Karanasan
B. Pampamilya
C. Pampulitika
D. Panlipunan
E. Pananampalataya

III. Malikhaing Pagtataya
1. Poster Slogan
2. Komik Strip

(Mama Roy, eto na po... Uhmmnn?
Kahit wala na daw yung III.)

Saturday, August 15, 2009

A Slave of Egypt

When you see the word Egypt, what comes to your mind? A pyramid, right?
Did you know that it is believed that the chosen people of God were among the slaves who built the pyramids?
So why is it that after being freed by God, they still wanted to return and serve the Egyptians?
Thisis because the jews found their identity in Egypt. They had been used to living as slaves. When they say their names, "a slave of Egypt" follows as their title.
Each of us also have our own "Egypt". The Egypt in us is sin that keeps us from freeing our spirits to receive God's promises.
We like going back to this Egypt.
Even if we know that we have been freed from sin, we still do it.
Even if we know there is a Promised Land waiting for us, we continue to serve that Egypt.
Maybe we know who we really are, we will be free the Egypt that enslaves us.

Friday, July 31, 2009

Format sa paggawa ng Suring Aklat

I. Introduksyon
Kakayahan ng may akda sa pagsulat ng akda.
a. Talambuhay ng may-akda
b. Iba pang aklay na isinulat ng may akda
c. Batayan sa pagsulat ng akda

II. Buod
a. Paksa ng aklat
b. Layunin ng aklat

III. Pagtataya
Sariling pananaw

IV. Konklusyon
a. Nagustuhan mo ba ang aklat? Bakit?
b. Karapat-dapat bang irekomenda ang aklat? Bakit?
c. May natutunan ka ba sa aklat?
d. Paano mo mapapaulad ang aklat?
e. Masama ba o mabuti ang aklat?

V. Aral na napulot sa kwento

Monday, July 27, 2009

Buod ng El Filibusterusmo



Matapos ang masalimuot na pangyayari na bumabalot sa mga tauhan sa Noli Me Tangere, lalo pa itong pinaigting ng diwa ng paghihiganti , karahasan at karuwagan sa akdang El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simoun- isang Amerekanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga Prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyangbpinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara na maituturing na kakambal ng impiyerno.


Bilang kanyang paghahanda sa kanyang binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga abang ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin ba ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular sa mga Prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang negosyanteng Intsik na binigyang-tulong pinansyal ni Simoun kapalit ng kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril sa gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan. Di nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente-isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. Di naging mahirap para kay Simoun na maghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa pakana ng mga Kastila. Naiiba sa mga ito si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mabuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyang pinagpapasalamatan ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang magandang bahay na kanyang tinatamasa kasama ng kanyang kasintahan na si Juli kaya't wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aralat mga kasapi ng AWK sa pangungutya at paggawa ng katatawanan sa mga Prayle, sila'y napagbintangan ng mga utak ng pagbabadya ng panghihimagsik sa pamamalakad ng mga Kastila. Ang mga nagkalat ng paskin ang siyang naging patibay laban sa kanila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryong pagkamatay ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingin ng tulong sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si Kapitan Tiyago at ng hindi siya pamanahan nito ni iasng kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon na unti-unti siyang binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay ng huli matapos na malaman na pumanaw ang nag-iisang dalaga na nagbibigay lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit ng magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad sumibol ang kanyang diwa sa paghihiganti.


Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na pinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito ngunit ang lahat ng kanyang paniniwala ay sinalungat ng pari. Nang makatanggap sila ng liham na iniuutos na isulo ang taong itinatago ni Padre Florentino agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti pang magpatiwakal kayasa mapasakamay ng mga Kastila. Namatay siyang di yumuyukod sa rehiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya.


Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap.